^

Probinsiya

Katrabaho hinataw ng lagare sa leeg

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Katrabaho hinataw ng lagare sa leeg
Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Eddie Bong Abenido Vertodazo, 45-anyos, residente ng Brgy. Cabuco Trece City, Cavite.
STAR / File

Masayang inuman nauwi sa patayan

CAVITE, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang construction worker matapos tagain ng lagare sa leeg na halos humiwalay sa kanyang ulo, ng kanyang kasamahan sa trabaho na kanyang kainuman, kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Agustin, Trece Martires City.

Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Eddie Bong Abenido Vertodazo, 45-anyos, residente ng Brgy. Cabuco Trece City, Cavite.

Agad namang na­aresto ang suspek sa isinagawang follow-up operation ng pulisya na nakilalang si Tirso Montez, 48-anyos, mason at stay-in sa construction site sa Lucky Prince Subdivision, Brgy. San Agustin ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon nina Police Master Sergeant Richard Chavez at P/Sergeant Larz Salem Celestino alas-8:30 ng gabi ay nag-inuman ang biktima at suspek sa kanilang barracks. Nang kapwa na malasing, nagkapikunan ang dalawa hanggang sa mauwi ito sa mainitang pagtatalo at magsuntukan.

Bigla namang nakakuha ng lagare ang suspek na gamit sa konstraksyon at tinaga ang biktima sa leeg na agad nitong ikinamatay.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos na makitang bumagsak at naliligo sa dugo ang kasamahan.

Gayunman, nadakip din siya ng pulisya sa kanilang ikinasang operasyon.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with