Pari nang-rape ng dalagita, pinaaaresto ng korte
Tuguegarao City Cagayan , Philippines — Ipinaaaresto na ng korte ang isang pari ng simbahan na kinasuhan dahil sa pangmomolestiya umano sa isang dalagita sa bayan ng Solana ng lalawigang ito kamakailan.
Batay sa warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Dennis Mendoza ng Regional trial Court (RTC) Branch 4, Tuguegarao City, si Father Karole Reward Israel, assistant parish priest ng St. Vincent Ferrer sa Solana ay pinaaaresto dahil sa 20 counts ng acts of lasciviousness, voyeurism at rape.
Matatandaan na inireklamo si Father Israel ng isang dalagita na mag-aaral at miyembro ng Youth Ministry sa nasabing lugar dahil umano sa pangmomolestiya at panggagahasa sa kanya ng nasabing lider ng simbahan.
Dahil dito, dinakip ng mga awtoridad si Father Israel noong Oktubre 18, 2022, subalit agad din siyang nakalaya matapos maglagak ng halagang P183,000 na piyansa.
Pero sa naturang ipinalabas na arrest warrant ng korte, walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng paring akusado sakaling siya ay madakip ng mga awtoridad.
- Latest