^

Probinsiya

Oil tanker, lumubog sa Tablas Strait malapit sa Oriental Mindoro

Paul Jaysent Fos - Philstar.com
Oil tanker, lumubog sa Tablas Strait malapit sa Oriental Mindoro
Ang MT Princess Empress ay may kargang 800,000 liters ng industrial fuel at lulan ang 20 na tripulante kasama ang kapitan ng barko na patungo sana ng Iloilo nang lumubog sa Tablas Strait.
Larawan mula sa Naujan MDRRMO

ROMBLON, Philippines (Romblon News Network) — Isang oil tanker ang lumubog bandang alas-2 ng madaling araw sa Balingawan Point sa Tablas Strait malapit sa Naujan, Oriental Mindoro at isla ng Marinduque dahil sa malalakas na alon.

Ayon kay Vincent Gahol, Provincial Disaster Risk Reduction Officer ng Oriental Mindoro, nagsagawa na ng rescue operation ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard katuwang ang Naujan MDRRMO at Oriental Mindoro PDRRMO.

Ang MT Princess Empress ay may kargang 800,000 liters ng industrial fuel at lulan ang 20 na tripulante, kasama ang kapitan ng barko, na patungo sana ng Iloilo nang lumubog sa Tablas Strait.

Kinumpirma rin ni Batangas Port manager Joselito Sinocruz ang pangyayari at sinabing inaasahang dadalhin sa Subic ngayong araw ang mga nailigtas na tripulante.

Bago lumubog, Sinabi ni PDRRMO Gahol na ang barko ay napadpad sa Mag-asawang Tubig River sa San Antonio, Naujan, Oriental Mindoro kahapon ng madaling araw matapos mag-over heat ang kanilang makina dulot ng masamang panahon.

--

Romblon News Network is a regional partner of Philstar.com

MARINDUQUE

OIL TANKER

ORIENTAL MINDORO

PHILIPPINE COAST GUARD

SINK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with