^

Probinsiya

Pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy ngayong taon, nakikita sa ilang bayan sa Romblon

Paul Jaysent Fos - Philstar.com
Pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy ngayong taon, nakikita sa ilang bayan sa Romblon
Litrato ng babaeng may hawak na pregnancy kit
Istock. Photo: Antonio Guillem

ROMBLON, Philippines (Romblon News Network) — Ginagawan na ng paraan ng iba’t ibang lokal na pamahalaan sa probinsya katuwang ang Commission on Population (Popcom) ang nakikitang pagtaas ng mga kaso ng teenage pregnancy sa ilang bayan sa Romblon nitong unang dalawang buwan ng 2023.

Ayon kay Mary Joselie Famisan, Provincial Population & Development Officer sa Romblon, nitong 2023 ay nakita nila na ang bayan ng Odiongan, San Agustin at Santa Fe ay may mataas nang kaso ng teenage pregnancy.

Aniya, nagsasagawa na sila ng iba’t ibang information drive sa mga paaralan at iba pang lugar katuwang ang iba’t ibang LGU para maturuan ang mga bata tungkol sa sex at safe sex.

"Meron kasing misinformation sa mga bata. Nagiging mas-curious sila kasi wala silang alam dito sa sexuality. Sila na mismo ‘yung gumagaw ang paraan para malaman kung ano ito," paliwanag ni Faminsan kung bakit tumaas ang mga kaso sa probinsya.

Naniniwala rin ito na ang posibleng pagiging aktibo ng mga kabataan sa internet ay isa sa posibleng nagiging dahilan kung bakit naiinganyo ang mga kabataan na subukan ang sex sa murang edad.

Sa datus ng PSA, umabot sa halos 500 na sanggol ang ipinapanganak kada araw sa buong bansa mula sa mga kabataang edad 10 hanggang 19 taong gulang.

Sa San Agustin, 29 ang kaso ng kanilang teenage pregnancy para sa buong taon ngunit ngayon pa lamang unang dalawang buwan nang 2023 ay umakyat na ito sa 13.

--

Romblon News Network is a regional partner of Philstar.com

vuukle comment

ROMBLON

SEX EDUCATION

TEENAGE PREGNANCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with