^

Probinsiya

Suspek sa ambush kay Governor Adiong, todas sa shootout

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa ambush kay Governor Adiong, todas sa shootout
Ayon kay Police Regional Office - Bangsa­moro Autonomous Region chief Police Brigadier General John Guygu­yon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na matapos ang pananam­bang, agad na nagsagawa ng  hot pursuit ang Maguing Municipal Police Station, 1st Provincial Mobile Force Company ng  Lanao Del Sur Police Provincial Office, at Provincial Intelligence Unit laban sa mga suspek.
STAR / File

MANILA, Philippines — Patay sa engkuwentro ang isang lalaki na pinaniniwalaang kabilang sa mga suspek sa  pananambang sa convoy ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Alonto Adiong Jr. nitong Pebrero 17.

Ayon kay Police Regional Office - Bangsa­moro Autonomous Region chief Police Brigadier General John Guygu­yon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na matapos ang pananam­bang, agad na nagsagawa ng  hot pursuit ang Maguing Municipal Police Station, 1st Provincial Mobile Force Company ng  Lanao Del Sur Police Provincial Office, at Provincial Intelligence Unit laban sa mga suspek.

Natunton ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng isa sa mga suspek  na nakilalang si “Otin” na napatay sa shootout.

Si “Otin” ayon sa PNP ay anak ng isang alyas “Fighter”  na kasama rin sa  mga suspek sa pananambang na ikina­sugat ni Adiong at staff nito na si Ali Macapado Tabao at ikinamatay ng police escorts na sina PStaff Sergeant Mohammad Jurai Mipanga Adiong, 40; Corporal Johanie Lawi Sumandar, 39; Corporal Jalil Ampuan Cosain, 40, at driver na nakilala sa pangalang Kobi.

Nakuha sa suspek ang Colt MK IV caliber 45 pistol na may serial number 79234 at anim na  live ammunitions.

Ang kampanya laban sa illegal na droga ang isa sa mga sinasabing motibo ng pananambang kay Adiong.

MAMINTAL ALONTO ADIONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with