^

Probinsiya

‘Bawal ang Bote-Bote’: Ordinansang nagbabawal sa mga bote-boteng gasulina sa Carabao Island, ipatutupad na

Paul Jaysent Fos - Philstar.com
‘Bawal ang Bote-Bote’: Ordinansang nagbabawal sa mga bote-boteng gasulina sa Carabao Island, ipatutupad na
Litrato ng mga nakaboteng gasolina
Romblon News Network

ROMBLON, Philippines (Romblon News Network) — Inaprubahanan na ng Sangguniang Panlalawigan ang ordinansa ng Sangguniang Bayan ng San Jose na magbabawal sa pagtitinda ng debote na mga gasulina o patingi-tingi lamang sa mga tindahan na matatagpuan sa bayan.

Ayon sa San Jose Public Information Office, multang hanggang P2,500 ang kakaharapan ng sinuman na mahuhuli na lalabag sa nasabing patakaran.

Inatasan na ng lokal na pamahalaan ang Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, at mga barangay officials na kumpiskahin ang lahat ng gasulina na mahuhuli nila ibinebenta sa bote-bote at iba pang kahalintulad na lagayan.

Ang ordinansang ito ay naipasa ng Sangguniang Bayan ng San Jose noon pang Nobyembre nang nakaraang taon.

Ang pagbabawal sa pagbebenta ng gasulina na nakalagay sa soda bottles, plastic bottles, jugs, at iba pang kahalintulad na lagayan ay nakasaad sa Department of Energy (DOE) Circular No. DC2003-11-010.

Sinabi na noon ng DOE na ang pagbebenta sa bote-bote ng gasulina ay hindi ligtas at wala rin umanong permit mula sa Bureau of Fire Protection at sa lokal na pamahalaan.

--

Romblon News Network is a regional partner of Philstar.com. 

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DEPARTMENT OF ENERGY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

ROMBLON

SAN JOSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with