^

Probinsiya

Pamamaril ng mga estudyante sa Pikit, Cotabato kinondena ng DILG

Angie dela Cruz at Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pamamaril ng mga estudyante sa Pikit, Cotabato kinondena ng DILG
Isa sa dalawang batang mag-aaral na nasugatan nang sila ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek na kung saan isa ay nasawi, naganap sa Pikit, Cotabato.
John Felix M. Unson

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang walang saysay na pamamaril sa Pikit, Cotabato noong Araw ng mga Puso, na bumiktima sa mga inosenteng mag-aaral ng Pikit National High School.

Ayon kay DILG Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr., kasalukuyan nang na­kikipag-ugnayan ang Kagawaran kina National Security Adviser Eduardo M. Año at Department of National Defense Secretary Carlito Galvez, Jr. upang tukuyin at masukol ang mga suspek sa likod ng nasabing pamamaslang. 

“Hindi tayo titigil hanggang hindi nagkakaroon ng hustisya ang mga naging biktima at kanilang mga pamilya,” ani Abalos sa isang pahayag.

Pagtiyak pa niya, “Walang puwang ang mga mamamatay-tao sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. lalo na ang kumikitil ng buhay ng mga bata.”

Inatasan na rin ni Abalos si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na pangunahan ang imbestigasyon sa naganap na pamamaril, katuwang ang mga kasama sa DILG at PNP regional offices.

CRIME

SHOOTOUT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with