Quezon provincial government magbibigay ng full educational scholarships
LUCENA CITY, Philippines — Maglulunsad ng dalawang Full Educational Scholarship Programs sa darating na buwan ng Agosto, 2023 ang Quezon provincial government bilang tulong sa mga mag-aaral sa lalawigan.
Nabatid na magbibigay ng “full scholarship with return of service program” para sa mga nagnanais kumuha ng mga kursong medikal tulad ng Medical Technology, Nursing, Radiologic Technology, Veterinary Medicine, BS Psychology, Speech Therapy, at iba pang kurso na may kaugnayan sa medisina.
Ayon kay Quezon Governor Dra. Helen Tan, ang pagbibigay ng scholarship program sa mga mag-aaral na kumukuha ng kursong medikal ang sasagot sa kakulangan sa medical staff ng lalawigan.
Aniya, maglulunsad din sila ng full scholarship program sa mga mag-aaral na wala kahit isa sa pamilya ang nakakapagtapos ng kolehiyo.
Makakatanggap ng libreng tuition fee, uniform, board and lodging, at allowance, ang mga mag-aaral na kwalipikado at mapipili sa mga nasabing scholarship programs.
- Latest