^

Probinsiya

2 sundalo, 6 pa timbog sa drug ops

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 11 ang dalawang sundalo at anim na iba pa matapos na mahuli sa aktong nagbebenta at nagpa-pot session kamakalawa ng gabi sa Tagum City, Davao Del Norte.

Batay sa report ng PDEA 11, kinilala ang mga sundalo na sina Private First Class (PFC) Butch Ysmael Tabuzares at PFC Rigor Ramales; Davao del Norte Local Government Unit employee na si William De Vera; mga sibilyan na sina Armando Parallaga, Michelle Dano, Yul Clin Misoles, Jodee Porlares at Mike Guadelquiver.

Lumilitaw na nagsagawa ng buy-bust operation ang PDEA 11 dakong alas-9 ng gabi ng Huwebes sa Purok 13, Brgy. San Miguel, Tagum City laban sa umano’y ‘tulak’ na si Parallaga, 56, isang delivery driver.

Nang magpositibo ang buy-bust at makuhanan ng P9,000 halaga ng shabu, agad na pinosasan si Parallaga at pinasok ang bahay nito na sinasabing drug den.

Dito na naaktuhang nagpa-pot session sina Tabuzares, Ramales, De Vera , Misoles, Porlares at Guadelquiver.                             

Binitbit din si Dano na live-in partner ni Parallaga na sinasabing nagmamantine ng drug den.

Nasamsam ng mga operatiba sa loob ng bahay ang 15 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 46 gramo na nagkakahalaga ng P312, 000, mga drug paraphernalia, isang caliber. 45 na baril, isang 9mm na Uzi sub-machine gun at sari-saring mga bala.

Kasalukuyan nang nakapiit sa PDEA 11 detention facility ang mga nahuling indibiduwal habang na turn-over na sa Laboratory Section nito ang mga nakuhang ebidensya para sa pagsusuri.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2022 ang mga drug suspect.

DRUG OPERATION

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with