^

Probinsiya

Barikada vs 'illegal mining' operations sa Romblon nabalot ng tensyon

James Relativo - Philstar.com
Barikada vs 'illegal mining' operations sa Romblon nabalot ng tensyon
Ilang tagpo sa girian sa pagitan ng mga raliyista, environmental defenders at opisyales ng Philippine National Police sa Sibuyan, Romblon, ika-1 ng Pebrero, 2023
Released/Alyansa Tigil Mina

MANILA, Philippines — Kapit-bisig ngayon ang ilang residente ng Sibuyan, Romblon sa isang "human barricade" habang iprinoprotesta ang diumano'y iligal na aktibidad ng Altai Philippines Mining Company sa kanilang lugar — bagay na nauwi sa tensyon sa kapulisan.

Miyerkules nang makagirian ng ilang environmental defenders at komunidad ang ilang police, ito matapos daw tangkaing lumabas sa sinasabing barikada ang isang trak na may dalang nickel ores.

"We are also aghast that the police were helping the truck that was transporting nickel ore," wika ni Elizabeth Ibañez, coordinator ng Sibuyanons Against Mining (SAM).

"We explained to the police last night that we are protesting the illegal operations of Altai Mining Company since they do not have the necessary permits for their activities. Why then is the police taking the side of the mining company?"

 

 

Ika-28 ng Enero nang unang iulat ng Alyansa Tigil Mina ang pagtatayo ng mga residente ng barikada sa tapat ng itinatayong pier ng Altai Philippines Mining Company sa Sitio Bato España, San Fernando, Romblon.

Ani Ibañez, ilan sa mga hinihingi ng mga raliyista ang paglalabas ng kumpanya ng mga sumusunod para sa kanilang pagmimina:

  • barangay clearance
  • municipal business permit
  • DENR foreshore lease contract
  • PPA permit para makapagtayo ng private port

Pagtitiyak naman ni Rodne Galicha, executive director ng Laudatu Si, patuloy na maninindigan ang mga residente upang pigilang pumasok ang mga trak hangga't "walang permiso at lisensya" ang mga ito.

"We are in solidarity with the residents of Sibuyan and fully support their fight for the preservation of their island," wika naman ni Alyansa Tigil Mina coordinator Jaybee Garganera habang kinukundena ang aksyon ng mining company at pulisiya.

Kagabi pa lang ay kinekwestyon na ng Sibuyan residents ang presensya ng kapulisan sa "mapayapang" barikada, na siyang may dalang baton at protective equipment.

Agad na kinompronta ni Kagawad Donato Royo ng Barangay España ang mga nabanggit habang hinihingian sila ng written order. Wala raw maipakita sa kanila.

"The police could not even produce a written order, despite claiming that they were ordered to go to the barricades supposedly to maintain peace and order," ani Royo kahapon.

"But, there is no need for them to come as the residents are protesting peacefully.  Besides, why were they in full protective gear? They even brought batons, seemingly wanting to provoke some sort of trouble."

 

 

Bukod sa suspensyon ng operasyon, ilan sa mga hiling ng mga nabanggit na grupo ang pagre-repeal ng Mining Act of 1995 at tuluyang pagbabawal sa open-pit mining sa Pilipinas.

Tinatawag din nila ngayong "fake news" ang kasalukuyang islogan ng ilang kumpanya pagdating sa responsableng large-scale mining.

Hinihingi pa ngayon ng Philstar.com ang panig ng Mines and Geosciences Bureau-MIMAROPA at Philippine National Police ngunit hindi pa nagbibigay ng kani-kanilang tugon sa insidente.

ALYANSA TIGIL MINA

LARGE SCALE MINING

MINES AND GEOSCIENCES BUREAU

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

ROMBLON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with