^

Probinsiya

P9.49-M 'smuggled' na sibuyas nasabat sa Zamboanga habang imports pumapasok

Philstar.com
P9.49-M 'smuggled' na sibuyas nasabat sa Zamboanga habang imports pumapasok
Milyun-milyong halaga ng ipinuslit na sibuyas galing ibang bansa na nakumpiska sa Zamboanga City
Released/Bureau of Customs Port of Zamboanga

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng Bureau of Customs Port of Zamboanga sa dalawang magkahiwalay na pagkakataon ang P9.49 milyong halaga ng imported na pulang sibuyas, bagay na isinakay daw sa loob ng isang watercraft.

Ibinalita ng Customs mga operasyon isang araw bago tapusin ng gobyerno ang pag-i-import nito ng sibuyas mula sa ibayong-dagat, bagay na ginagawa raw para tugunan ang "kakulangan" ng suplay at pagsirit nito sa P720/kilo noong Disyembre.

"The first operation occurred along Barangay Labuan's coastal areas involving a jungkong-type motorized wooden watercraft marked as TIMZZAN. The vessel contained 1,624 mesh bags of imported fresh red onions, amounting to P2,598,400," wika ng kawanihan kanina.

"The second operation involves 4,308 mesh bags of imported fresh red onions worth P6,892,800 in a jungkong-type cargo watercraft marked as MJ MARISSA at Varadero de Cawit in Barangay Cawit, Zamboanga City."

 

 

Hindi tinukoy ng gobyerno kung saang bansa maaaring nanggaling ang kontrabando.

Sinasabing walang sanitary at phytosanitary import clearance galing sa Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry ang sikat na sangkap sa lutong Pinoy, dahilan para malabag aniya ang Section 1401 ng Republic Act 10863 o "Customs Modernization and Tariff Act of 2016," bagay na kaugnay ng RA 10845 o "Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016."

Ibinigay naman na sa pangangalaga ng DA ang mga sibiuyas at ipinadala sa Research Center sa Barangay Talisayan, Zamboanga City para sa safekeeping.

"The operations followed the directive of Customs Commissioner Yogi Filemon L. Ruiz to ensure effective coordination and collaboration with other border enforcement agencies," sabi pa ng BOC.

"The BOC-Port of Zamboanga will continue to boost its efforts against smuggling in line with President Ferdinand R. Marcos Jr.'s standing order to intensify border control measures to curb smuggling."

Kapansin-pansing bumaba ang presyo ng sibuyas ngayon sa merkado kasabay ng pagsisimula ng anihan ng mga lokal na magsasaka sa hanggang P350/kilo para sa pulang sibuyas at hanggang P300 para sa lokal na puting sibuyas.

Mas mura namang ibinebenta ang imported red at white onions, bagay na ibinebenta nang hanggang P180 at P200 sa palengke.

Itinuturo ngayon ng ilang magsasaka na wala talagang shortage sa suplay ng sibuyas lalo na't ngayon-ngayon lang nagsimula mag-ani ng bulto ng kanilang mga panananim.

Isa ang pagbaha ng dayuhang sibuyas sa mga nakikita nilang magpapalugi sa kanila sa dahilang bababa raw nang husto ang farm gate prices kasabay ng mga pag-aangkat— James Relativo

AGRICULTURE

BUREAU OF CUSTOMS

IMPORTATION

ONIONS

SMUGGLING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with