^

Probinsiya

Sekyu agency, katabing trading pinasok ng mga kawatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines —  Pinagnakawan ng hinihinalang kilabot na grupo ng magnanakaw ang isang security agency at katabing establisimyento at nilimas ang mga baril at pera rito, kamakalawa ng hapon sa isang Commercial Building sa may Aguinaldo Hi-way, Sitio Malinta, Brgy. Sampaloc 2, Dasmariñas City.

Sa ulat ng pulisya, ala-1 ng hapon nang looban ng mga ‘di nakilalang suspek ang Hefty Security Agency at katabing Dream Sky Stainless Product Trading.

Batay sa salaysay nina Kathryn Taruc, 44-anyos, may asawa  at business owner ng nasabing security agency, at  Zhili Chen, 33, nang nasabing oras napansin umano ni Ireneo Aspiras, officer-in-charge (OIC) ng Hefty na nasa second floor ng LKJ Building na nakabukas ang pintuan ng conference rooms dito.

Agad umanong pinuntahan ni Aspiras at dito niya nadiskubre na nakabukas na ang vault at wala nang laman sa may conference room.

Mabilis siyang tumawag ng tulong at sa pagsisiyasat sa gusali ay nadiskubre na nawawala na ang mga nakatagong baril na kinabibila­ngan ng isang Shotgun Armscor (serial mumber RIA2127291), isang cal.38 Spl Rock Island (serial number RIA1983817) at isang cal.38Spl Rock Island (serial number RAI1983816).

Natangayan din ang katabing trading at nawawala ang ‘di pa mabilang na halaga ng pera at ibang mahahalagang gamit.

Sa imbestigasyon ng pulisya, winasak ng mga suspek ang sliding window sa bandang kusina ng agency at dito dumaan ang mga suspek.

KAWATAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with