^

Probinsiya

2 tepok sa salvage sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 tepok sa salvage sa Quezon
Ang dalawang salvage victim habang sinisiyasat ng pulisya matapos magkahiwalay na natagpuan sa Sariaya at Tayabas, Quezon, kamakalawa.
Quezon Police

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Dalawang bangkay na pinaniniwalaang biktima ng summary execution o salavage ang natagpuan sa magkahiwalay na bayan sa lalawigan ng Quezon, kamakalawa.

Ayon kay Quezon Provincial Police Office director PCol. Ledon Monte, dakong alas-6:45 ng umaga nang unang matagpuan ng mga nagpapatrolyang operatiba ng Sariaya Municipal Police Station (MPS) ang bangkay ng isang lalaki na nakahandusay sa tabing kalsada sa kahabaan ng Eco Tourism Road, Sitio Bagong Pook, Barangay Talaan Aplaya, Sariaya.

Ang biktima ay tinatayang nasa 40-45- anyos na nakasuot ng t-shirt (Santa Cruz), itim na jogger pants, itim na Laker’s ball cap, itim na sandals at may Sputnik tattoo sa kanang braso. Tadtad din ito ng tama ng bala sa katawan.

Dakong alas-9:00 ng umaga naman nang madiskubre sa madamong bahagi ng daan sa Barangay Mateuna, Tayabas City ang pangalawang biktima na may taas na 5’5”, may tattoo sa leeg habang nababalutan ng packaging tape ang ulo, balikat at dalawang hita nito at may mga tama ng bala rin sa ulo. Ito ay nakasuot ng itim na black t-shirt, at isang gray at white short pants.

Sinabi ng mga awtoridad na ang mga biktima ay posibleng pinatay sa ibang lugar at sa Quezon lamang itinapon ang kanilang bangkay para iligaw ang pulisya sa kanilang imbestigasyon. — Ed Amoroso

MPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with