^

Probinsiya

Pantalan niratrat: Sekyu todas, 3 pa kritikal

Roel Pareño - Pilipino Star Ngayon
Pantalan niratrat: Sekyu todas, 3 pa kritikal
Kinilala lamang ang nasawi sa pangalang Philix, habang ang mga sugatan na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ay nakilalang sina Albasar Abdul Amiril, 37; Saramae Panolera-Saddalani, 35, at Mohammad Taha Panolera Saddalani, 26, pawang residente ng Sitio Baliwasan Seaside, Brgy. Baliwasan ng lungsod.
STAR / File

ZAMBOANGA CITY, Philippines — Patay ang security guard habang tatlong kamag-anak ng isang negosyante ang malubhang nasu­gatan matapos silang pagbabarilin ng nag-iisang gunman na umatake sa loob ng isang private wharf o pantalan sa lungsod na ito, kahapon ng umaga.

Kinilala lamang ang nasawi sa pangalang Philix, habang ang mga sugatan na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ay nakilalang sina Albasar Abdul Amiril, 37; Saramae Panolera-Saddalani, 35, at Mohammad Taha Panolera Saddalani, 26, pawang residente ng Sitio Baliwasan Seaside, Brgy. Baliwasan ng lungsod.

Ayon kay Police Col. Alexander Lorenzo, Zamboanga City Police Office (ZCPO) director, nasa loob ng premises ng Taha Wharf ang mga biktima nang pagbabarilin ng nag-iisang gunman na nakasuot ng jacket at face mask, at may full-face helmet dakong alas-6:20 ng umaga. 

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nasa malapit sa main gate ng pantalan ang mga biktima na nag-uusap nang biglang dumating ang suspek sakay ng motorsiklo at walang-sabi-sabing pinaulanan ng bala ang mga biktima. 

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek lulan ng kanyang motorsiklo patu­ngong west direction, ayon pa sa pulisya.

Ang gun attack ay naganap ilang metro lamang ang layo umano mula sa checkpoint ng Maritime Police headquarters.

Isinugod lahat ang mga biktima sa ospital upang malapatan ng lunas subalit idineklara ng doktor si Philix na dead-on-arrival habang ang tatlo ay nagtamo ng seryosong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Sinabi naman ni Police Maj. Francis Briones, hepe ng Police Station 11, na lahat ng biktima maliban sa nasabing nasawing guwardya ay kamag-anak ng may-ari ng naturang wharf.   

Sinabi ni Briones na nangangalap na sila ng mga testigo at posibleng CCTV footage upang makatulong na matukoy ang suspek at motibo sa krimen.

vuukle comment

PAGBABARILIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with