^

Probinsiya

Bahay nasunog sa lumang bentilador

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY, Philippines — Natupok ng apoy ang isang bahay na pawang gawa sa light materials at nadamay rin na nasunog ang nakagarahe na isang sasakyang pickup sa Natividad Sta. Brgy. Pag-asa sa Olongapo City, kamakalawa ng umaga.

Pasado alas-10 ng umaga nang magsimulang umusok ang bahay na pag-aari ng pamilya Torres kung kaya’t agad tumawag ng mga kagawad ng pamatay sunog.

Hindi naging madali para sa mga bumbero na maisalba ang nasusunog na bahay dahil bukod sa kalumaan na ito ay gawa pa sa mahihinang materyales tulad ng kahoy.

Sa kabila nito, hindi naman nadamay na matupok ang mga kalapit na bahay ng biktima matapos ideklarang fire under control ng mga bumbero ang insidente.

Lumalabas sa im­bestigasyon na nagmula umano ang sunog sa lumang bentilador na ginagamit ng nasunugang pamilya. 

vuukle comment

OLONGAPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with