^

Probinsiya

Sanggol sa sako itinapon sa sementeryo, nailigtas

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

GUINAYANGAN, Quezon, Philippines — Nailigtas sa tiyak na kapahamakan ang isang sanggol na tinatayang isang araw pa lamang naisisilang matapos na ito ay matagpuan sa loob ng municipal cemetery sa Barangay Dungawan Central sa bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa pulisya, ang sanggol na lalaki ay nakalagay sa loob ng sako at may nakakabit pang ambilical cord nang matagpuan ng isang Joven Nuga dakong alas-3:20 ng hapon.

Naglalakad umano si Nuga sa may sementeryo nang makarinig siya ng sunud-sunod na iyak ng sanggol at nang hanapin ay doon na niya nakita na halos nilalanggam na.

Mabilis na dinala sa Guinayangan Community Medicare Center ang sanggol at isinailalim sa medikasyon at ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan.

Hinahanap na ng pulisya ang walang pusong ina ng sanggol na nagtapon dito upang papanagutin.

vuukle comment

NUGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with