2 todas sa pananaksak sa Laguna
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Dalawa katao ang patay matapos silang atakihin ng saksak sa Calamba City ng lalawigang ito, ayon sa ulat ng mga awtoridad kahapon.
Sa report ng Calamba Police, kinilala ang mga nasawi na sina Jerry Calivoso at Joe Reño.
Nabatid na habang sakay ng kanyang tricycle si Calivoso patungong Barangay Punta nang isang hindi kilalang suspek ang umatake sa kanya at pinagsasaksak habang nasa daan.
Nagtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Calivoso na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Samantala, si Reño ay pinagsasaksak din habang pababa ng kanyang motorsiklo ng dalawang suspek sa may riles ng PNR sa Barangay Parian, noong Miyerkules ng hapon.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa nasabing magkahiwalay na pagpatay.
- Latest