^

Probinsiya

Online seller na nagbanta sa ninang, dinakip

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng San Jose Del Monte,Bulacan police ang  isang babaeng ne­gosyante na wanted sa da­lawang kasong kriminal sa Baguio City.

Kinilala ni Lt. Col. Ro­naldo Lumactod Jr., hepe ng pulisya ng San Jose Del Monte,ang negos­yanteng si Kimberly Ann Santos, 32, alyas Kim Santos na dinakip  sa bisa ng dalawang warrant of arrest para sa anti-cyber crime offense at grave threat na inisyu ni Hon. Emmanuel Cacho Ra­sing, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Barangay 3, Baguio City, na may petsang Disyembre 12, 2002.

Hindi nanlaban ang negosyanteng online sel­ler ng jewelry shop nang makorner  siya sa bahay nito sa Barangay Commonwealth, Quezon City, noong Lunes ng gabi.

Sinabi ni Lumactod na ang pag-aresto kay Santos ay bahagi ng isinasagawang operasyon sa ilalim ng warrant arrest day na ipinatupad ng Phi­lippine National Police sa buong bansa.

Nagsimula ang kaso sa reklamo ni Daisy Giliberte, isa ring negos­yante na mas kilala sa tawag na “Ninang ng Bayan” laban sa akusado dahil sa pagbabanta nito sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya at sa paglabag sa anti-cyber crime law. Kasalukuyang nakakulong ang akusado sa police station custodial facility para sa tamang disposisyon bago ang issuing court.

Inirekomenda ng korte ang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

CACHO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with