Ginang nadakip sa P8 milyong ecstasy na galing France
MANILA, Philippines — Isang ginang ang inaresto ng mga otoridad nang tanggapin nito ang isang package na naglalaman ng 5,032 piraso na ecstasy pink tablet na nagkakahalaga ng P8 milyon,kamakalawa sa Sta. Rosa City, Laguna.
Kinilala ang naarestong suspek na si Joy Buatista, alias Aira Almonte, na hindi na nakapalag nang tanggapin ang isang package na naglalaman ng mga laruang pambata na ipinadala sa kanya ng isang Victoria Buatista mula sa Lille, France.
Ayon kay Lt. Col. Paul Sabulao, city police chief, na nagsagawa sila kasama ang mga Philippine Drug Enforcement Agency 4A operatives at Philpost Inspectorate representative sa isang gasolinahan sa Barangay Dita, Santa Rosa City.
Nang tanggapin ng suspek ang mga package na naglalaman ng anim na stuffed toys, 4 duct tape na naglalaman ng humigit kumulang 5,032 pink tablets na pinaghihinalaang ecstasy.
- Latest