^

Probinsiya

Dalagita ginawang sex slave ng ama sa loob ng 3 taon

Pilipino Star Ngayon
Dalagita ginawang sex slave ng ama sa loob ng 3 taon
Naghihimas na ng rehas sa kulungan ang suspek na sekyu makaraang maaktuhan ng kanyang misis habang nakakubabaw sa kanilang 15-anyos na anak nitong nakaraang buwan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagwakas na rin ang pagiging sex slave ng isang 15-anyos na dalagita sa kamay ng sariling ama sa loob ng tatlong taon matapos na maaktuhan ng ina ang panghahalay sa kanya

Naghihimas na ng rehas sa kulungan ang suspek na sekyu makaraang maaktuhan ng kanyang misis habang nakakubabaw sa kanilang 15-anyos na anak nitong nakaraang buwan.

Doon lamang umano nadiskubre ng ina na nag-umpisa ang kalbaryo ng kanilang anak noong ito’y 12-anyos pa lamang.

Agad namang kinasuhan ang suspek kaya nitong Lunes, Disyembre 19, inaresto ang hindi na pinangalanang suspek na sa Barangay Banilad, Cebu City.

Nahaharap ito sa tatlong counts ng statutory rape sa ilalim ng Republic Act (RA) 8353, o Anti-Rape Law of 1997, na inamiyendahan ng RA 11648, o Act of Raising the Sexual Consent. Ang arrest warrant ay inisyu ni Regional Trial Court Branch 74 Judge Marlon Jay Guillena Moneva.

Walang inirekomendang piyansa sa suspek.

Nabatid na bukod sa kasong rape, may pending case rin ang akusado sa paglabag sa RA 9262, o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004, na isinampa rin ng ina ng biktima.

SEX SLAVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with