^

Probinsiya

Mister tinodas sa lamay ng pinsan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mister tinodas sa lamay ng pinsan
Kinilala ang nasawi na si Manuel Lumaban, magsasaka nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at ulo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Binaril nang malapitan at napaslang ang isang 44-anyos na mister habang ito ay nakiki­paglamay sa  namayapa nitong pinsan sa bayan ng Lupi, Camarines Sur, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Manuel Lumaban, magsasaka nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at ulo.

Sa ulat ng Camarines Sur Police Provincial Office (PPO), alas-12:10 ng madaling araw nang mangyari ang insidente  sa mismong burol ng namatay na pinsan ng biktima sa Brgy. Colacling ng bayang ito.

Ayon sa imbestigas­yon habang nakikipag­lamay ang biktima ay isang hindi pa nakila­lang lalaki ang lumapit dito.

Agad na binunot ng lalaki ang kaniyang nakatagong baril saka pinaputukan nang sunud-sunod ang biktima na duguang napahandusay.

Matapos ang krimen ay mabilis namang tumakas ang salarin patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Nagawa pang ma­isugod sa pagamutan ang biktima pero idineklara na itong dead-on-arrival.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa kasong ito at pagtugis sa suspect.

vuukle comment

PPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with