^

Probinsiya

6 patay sa road crash sa Laguna  

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anim na miyembro ng pamilya ang nasawi habang isa ang nasa kritikal na kondisyon matapos ang kanilang sinasakyang pick-up ay bumaliktad sa kalsada sa Calamba City, Laguna, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Lt. Col. Lany Martirez, Calamba City police, ang mga nasawi na sina Jhomel Hernandez Licas, 26, driver ng pick-up; mga sakay na sina Ruel Hernandez Dimailig, at Jonel, 29, Medel, 32, at Angelo, 24, na pawang Hernandez ang apel­yido at residente ng Barangay San Roque, Tagkawayan, Quezon, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng ikaanim na nasawi na isang lalaki.

Nasa kritikal na kondisyon sa ospital ang isa pang sakay na kinilalang si Marvin Hernandez, 22.

Sa ulat, bago naganap ang aksidente, alas-3:40 ng madaling araw sakay ang mga biktima ng itim na Mitsubishi Estrada pick up (VES-841) ay mabilis umanong binabagtas ang kahabaan ng national highway.

Pagdating sa pakur­bang daan sa pagitan ng boundary ng Barangay Paciano at Barangay San Cristobal, Calamba City ay napunta ito sa kabilang linya na kung saan ay muntik na masalpok ang isang motorsiklo at pampasaherong jeep.

Nawalan ng control sa manibela ang driver ng pick-up kaya’t ito ay bumaliktad at sumal­pok sa mga barikada sa highway.

Ayon sa pulisya, sa sobrang lakas ng pagsalpok ay halos nagmistulang nayupi na lata ang pick-up na kung saan ang pitong sakay nito ay naipit sa loob.

Agad naman nailabas ng mga pulis, bumbero at Laguna rescue team ang mga sakay na kung saan ang apat ay namatay sa daan habang ang dalawa ay idineklarang dead on arrival ng mga doctor.

Posible raw na naka­inom ng alak ang driver ng sasakyan dahil ayon sa mga kaanak, nagtu­ngo sa Laguna ang mga biktima at nagka­yayaan na mag-inuman. - Joy Cantos

ROAD CRASH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with