^

Probinsiya

18-anyos todas sa ­‘mistaken identity’

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
18-anyos todas sa ­‘mistaken identity’
Ayon kay Lt. Col. Juan Oruga Jr., hepe ng pulisya sa lungsod, ang biktima na nakilalang si Luis Daniel Frianela, ay nakatayo lamang sa labas ng bahay at may kausap sa cellphone nang biglang dumating ang dalawang suspek at biglang binaril ang biktima sa Barangay ­Paliparan 3 ng lungsod.
STAR/File

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang 18-anyos na binata ang patay matapos mapagkamalan at mabaril ng dalawang suspek sa Dasmariñas City, Cavite nitong Lunes.

Ayon kay Lt. Col. Juan Oruga Jr., hepe ng pulisya sa lungsod, ang biktima na nakilalang si Luis Daniel Frianela, ay nakatayo lamang sa labas ng bahay at may kausap sa cellphone nang biglang dumating ang dalawang suspek  at biglang binaril ang biktima sa Barangay ­Paliparan 3 ng lungsod.

Ang biktima ay agad isinugod sa Pagamutan ng Dasmariñas pero idineklarang dead on arrival.

Sinabi ni Oruga na ang nasawi ay biktima ng mistaken identity at ang kanyang bayaw na si John Lou ang target ng mga suspek.

Tinutugis na ng mga pulis ang mga tumakas na suspek na nakilala lang sa mga alyas na Patay at Hudas.

Nabatid na si Lou ay nagkaroon ng alitan sa mga suspek habang sila ay naglalaro ng billiard noong Disyembre 9.

MISTAKEN IDENTITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with