^

Probinsiya

Waiter tepok sa namik-ap na bus

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Waiter tepok sa namik-ap na bus
Sa report ni PLt.Col.Erickson Roranes, chief of police dito, nakilala ang biktima na si Anjelo Parayday, 21, binata at residente sa Purok Sampaguita, Barangay Domoit.
STAR/File

LUCENA CITY, Philippines — Nabasag ang bungo at namatay noon din ang isang waiter makaraang bumangga ang kaniyang minamanehong motorsiklo sa bus na pumipick-up ng pasahero sa Maharlika highway, Diversion road sakop ng Barangay Gulang-gulang, kamakalawa ng madaling araw.

Sa report ni PLt.Col.Erickson Roranes, chief of police dito, nakilala ang biktima na si Anjelo Parayday, 21, binata at residente sa Purok Sampaguita, Barangay Domoit.

Ayon kay PCpl.Eduardo Nartea Jr.officer on case, bandang alas-4:00 ng umaga ay minamaneho ng biktima ang isang Euro Perman 150 motorcycle at tinatahak ang highway patungo sa kanilang bahay nang sumalpok ito sa hulihang bahagi ng JAC Liner bus na minamaneho ni Wencelito Delfino, 47 ng Sariaya, Quezon.

Dahil walang suot na helmet at lakas ng pagkakabangga, agad na namatay ang biktima.

Nabatid sa imbestigasyon na nakahimpil at namimick-up ng pasahero sa gilid ng kalye ang bus nang maganap ang road crash.

MOTORSIKLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with