^

Probinsiya

Pedestrian utas sa ‘hit and run’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang pedestrian ang patay nang bundulin at takbuhan ng motorista habang tumatawid sa kalsada ang biktima sa Antipolo City, Rizal kamakalawa ng gabi.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang nakilala lang na si Carlito Osinar dahil sa tinamong matin­ding pinsala sa ulo at katawan.

Samantala, nakatakas naman ang driver ng behikulong nakabangga sa biktima na nakilala lamang na si Jaymar Lacadin.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Marcos Highway, Sitio Inuman Proper, Brgy. Inarawan, Antipolo City. Tumatawid umano ang biktima sa kalsada nang mabangga ng behikulo na noo’y bumabagtas sa Marcos Highway patungo sa direksiyon ng Cogeo.

Sa halip namang tulungan ang biktima ay tumakas pa ang suspek na tinutugis na ng mga otoridad.

vuukle comment

HIT AND RUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with