Pulis kinasuhan ng coed ng ‘sexual harassment’
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang pulis ang nahaharap sa kasong kriminal at administratibo matapos ireklamo ng isang babaeng college student ng sexual harassment habang sumasailalim sa training sa Cavite.
Ang pulis na kinasuhan ng paglabag sa R.A 7877 (Anti-Sexual Harassment Act of 1195) sa Provincial Prosecutor’s Office, at administratibo sa Pre-Evaluation Charge Unit ay nakilalang si P/Chief Master Sgt. Romar Sinnung, nakatalaga sa Bacoor City Police Station.
Ito ay may kaugnayan sa inihaing reklamo ng 23-anyos na 4th year college student na itinago sa pangalang Jenny, na pang-aabuso habang siya ay nasa education training ng pulisya sa Bacoor City.
Ayon kay Col. Christopher Olazo, Cavite Police director, si Sinnung ay agad sinibak sa puwesto at inatasang mag-report sa Cavite Provincial Police Headquarters. Siya ay isinailalim din sa Absent Without Official Leave (AWOL) status.
Ang sexual harassment sa biktima, residente ng Barangay Mambog 4, Bacoor City ay naganap umano noong Oktubre 11, 13 at Nob. 8,9, bandang alas-8 hanggang alas-9 ng umaga sa BGC compound, Bacoor City Police Station.
Nabatid na nagtungo ang estudyante sa istasyon noong Disyembre 1, upang isumbong ang pang-aabuso sa kanya ng nasabing pulis at naghain ng kasong criminal.
Sinabi ng biktima na siya ay hinaras at inabusong seksuwal ng pulis habang sumasailalim sa education training sa compound ng pulisya. Malisyoso umanong hinipuan ang kanyang hita at suso, at hinawakan ang kanyang likod at outline ng kanyang bra habang hinihimas ito sa likod at ang bibig ng pulis ay nasa leeg na ng biktima.
Sinabi ng estudyante na nag-alok din ng paborableng konsiderasyon ang pulis kapalit ng kanyang personal na interes sa biktima.
- Latest