P14.3 milyong marijuana winasak sa Cordillera
MANILA, Philippines — Winasak ng Cordillera Police ang nasa P14.3 milyong halaga ng marijuana na nakumpiska sa loob na dalawang linggong operasyon katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa iba’t ibang lugar sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Sinabi ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., 19 na operasyon ng PNP at PDEA mula Nobyembre 13 hanggang 30 kung saan nasamsam at sinunog nila ang 71,105 fully-grown marijuana plants at 2,100 na punla ng marijuana.
Ayon kay Azurin na epektibo ang kanilang pinaigting na istratehiya laban sa droga at naniniwala siyang mapupuksa ito hindi lamang sa buong Cordillera kundi sa iba’t ibang lugar ng bansa.
Nagpaabot naman ng papuri si Azurin kay Police Regional Office (PRO)-Cordillera director, Brig. Gen. Mafelino Bazar sa matagumpay na operasyon nito kontra droga gayundin ang komunidad na nagiging katuwang ng PNP sa pagbuwag sa mga drug traders.
Samantala, pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspek na cultivator ng marijuana na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 16, Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest