^

Probinsiya

P5.7 milyong marijuana nasabat sa checkpoint

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot sa mahigit P5.7 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam mula sa isang lalaki na naharang sa checkpoint kamakalawa sa Pasil, Ka­linga.

Sa report ng Kalinga PNP, nakuha sa kulay puting Toyota Rush na may plate number na NFV-9982, na minama­neho ng suspek na si Albert Dugwawi, 29 ng  Pacac, Agbanawag, Tabuk City, Kalinga ang 10 bricks ng dried marijuana leaves, stalk at fruiting top na na­kabalot sa isang transpa­rent plastic sachet na may bigat na 10,000 gramo at may street value na P1.2 milyon.

Narekober din ang 3- tubula na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana at stalks na may bigat na 3,000 grams at nagkakaha­laga­ ng P360,000.00, 18 pirasong pinatuyong marijuana na ibinalot sa transparent plastic na nagkakahalaga naman ang P4.2-M, isang piraso ng plastic naglalaman ng OR/CR, at mga resibo.

Nabatid sa report ng 2nd Company Kalinga Provincial First Mobile Company, nakatanggap­ sila ng impormasyon tung­kol sa isang puting­ sasakyan na may kargang marijuana ang daraan sa checkpoint sa bahagi ng Dinacan, Lubuagan, Kalinga.

Ilang minuto ang ma­kalipas namataan ng pulisya at militar ang sasakyan kaya pinara nila ito para pahintuin subalit nilampasan lamang sila kaya agad ikinasa ang hot pursuit operation.

Nakita ng mga awtoridad ang sasakyan na inabandona sa kalsada na sakop ng Pasil-Balba­lan, Kalinga Road at ng kanilang siyasatin ay na­diskubreng mga kontrabando ito at tumakas na ang suspek.

Sa isinagawang pagtugis, nahuli ng mga awtoridad ang suspek sa masukal na bahagi ng naturang lugar.

Nag-iimbestiga pa rin ang mga awtoridad upang matukoy ang kasabwat ni Dugwawi na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.  - Victor Martin

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with