31 Belen nagtagisan sa ‘Belenismo sa Tarlac’
MANILA, Philippines — Ipinakita ng 31 kalahok mula sa municipal community, church, monumental at non monumental category sa “Belenismo sa Tarlac” ang kanilang pagiging malikhain sa paggawa ng naglalakihang Belen na simbolo ng Kapaskuhan.
Ayon kay Tarlac Heritage Foundation co-founder Dr. Isabel Cojuangco-Suntay, ibinuhos at ipinakita ng mga lumahok ang kanilang galing at talento sa paggawa ng Belen gamit ang mga recyclable materials tulad ng mga plastic bottles, plastic cups, kutsara, sirang silya at iba pa.
Ani Suntay, dito makikita ang pagkakaisa ng mga taga-Tarlac upang maipadama ang diwa ng Pasko sa pamamagitan ng Belen at maiangat ang turismo matapos ang dalawang taong pandemya.
Nagpakita rin ng galing sa pagsasayaw ang mga kalahok kabilang na ang mga batang Indegenous People ng Munisipalidad ng San Clemente na umani ng papuri at palakpak sa mga manonood ang mga batang Indegenous People.
Paliwanag ni San Clemente Mayor Elma Macadamia, sa tulong ni Tourism officer JM Modomo, hot air balloon ang tema ng kanilang Belen ngayong taon na simbolo ng pagbaba ng biyaya at kapayapaan sa lahat na pinagupo ng COVID-19.
Unang taon naman ngayong sumali ng Karin De Reah sa ilalim ng monumental catergory sa Belenismo. Nahikayat silang lumahok upang ipakita ang kanilang pagiging malikhain sa paggawa ng Belen gamit ang tansan at plastic spoons.
Tiniyak naman ni Suntay na indikasyon lang na walang tatalo sa galing ng mga Tarlaqueño sa paggawa ng Belen.
Ang Tarlac ang tinaguriang Belen Capital of the Philippines.
- Latest