^

Probinsiya

Konsehal ng Dolores, Quezon itinumba!

Doris Franche, Ed Amoroso, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Konsehal ng Dolores, Quezon itinumba!
Ang nakabulagtang si Councilor Orly Barsomo matapos pagbabarilin ng isang suspek habang naglalakad sa Brgy. Dagatan, Dolores, Quezon kahapon.
Ed Amoroso

DOLORES, Quezon, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang incumbent municipal councilor ng bayang ito ng hindi nakikila­lang lalaki habang nag-eehersisyo ang opisyal kahapon ng madaling-araw sa Barangay Dagatan, dito.

Ang biktima na nagtamo ng tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at katawan ay kinilalang si Dolores Councilor Orlando “Orly” Barsomo, 47, binata at residente sa nasabing lugar.

Ayon kay Capt. Arjon Oxina, hepe ng Dolores, dakong alas-4:05 ng madaling-araw habang nagsasagawa ng walking exercise ang biktima na nakagawian na nito kada araw nang biglang sumulpot sa daan ang armadong suspek na lulan ng motorsiklo.

Hindi napansin ng biktima ang pagsabay ng suspek hanggang sa bigla umanong bumunot ng baril ang huli at tatlong beses na binaril nang malapitan ang biktima.

Agad na bumulagta sa daan ang konsehal dahil sa mga tinamong tama ng punglo sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan habang mabilis na tumakas ang suspek.

Isang fish vendor ang nakakita sa insidente na agad nareport sa himpilan ng pulisya, may isang kilometro lang ang layo sa pinangyarihan ng insidente.

Sinabi ni Oxina na walang empty bullets na narekober sa crime scene habang wala ring close circuit television (CCTV) na nakakabit sa nasabing lugar.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa pamamaslang sa biktima kung may kinalaman ito sa kanyang trabaho, at sa responsible sa krimen.

COUNCILOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with