^

Probinsiya

Mister tinambangan ng tandem, utas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

CAWAYAN, Masbate, Philippines — Bulagta ang isang 30-anyos na mister matapos tambangan at pagbabarilin ng dalawang gunmen habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Purok-3, Brgy.Tuburan, Cawayan, Masbate kamakalawa ng hapon.

Sinubukan pang isugod ng kaanak at mga residente sa Cawayan District Hospital pero hindi na umabot nang buhay ang biktimang si Ruel Reviral Mahusay, residente ng Sitio Talisay, Brgy.Tuburan, Cawayan.

Mabilis namang tumakas patungo sa hindi malamang direksyon ang gunmen makaraang mapaslang nila ang biktima.

Sa ulat, dakong alas-2:10 ng hapon habang binabagtas ng biktima ang highway pauwi na sa kanyang bahay lulan ng motorsiklo nang biglang sumulpot sa kanyang daraanan ang dalawang suspek na armado ng hindi malamang kalibre ng baril.

Nang matapat ang biktima sa mga suspek, agad siyang pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

vuukle comment

GUNMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with