^

Probinsiya

5-storey apartment type na puntod, gumuho sa Aklan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Gumuho ang 5-storey na mga puntod kaya walang naabutan ang mga pamilya ng yumao na dumalaw kahapon dito sa Araw ng mga Patay kahapon sa Aklan.

Ayon kay Engr. Hermie Seraspi, municipal engineer ng lokal na pamahalaan ng Banga, posibleng sanhi ng katatapos lamang na bagyo ay lumambot na ang pundasyon ng may 15 puntod.

Kaagad naman nagsagawa ng clearing operation ang mga awtoridad at pansamantalang inilipat ang mga nahukay na kabaong.

Nagsagawa rin ng disinfection ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Banga para maiwasang malanghap ang hindi kanais-nais na amoy mula sa ibang kabaong na sariwa pa dahil ang iba ay dalawang buwan pa lamang naililibing.

Mahigpit na rin ipinagbabawal ng mga awtoridad ang lumapit sa gumuhong mga puntod para maiwasan ang aksidente.

Dismayado naman ang mga kaanak na dumalaw pagdating sa public cemetery dahil sa sinapit ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Umaasa silang agad na magagawan ng paraan ng LGU ang problema bilang respeto sa mga namayapa.

vuukle comment

AKLAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with