^

Probinsiya

22 barangay sa Zamboanga City lumubog sa baha

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
22 barangay sa Zamboanga City lumubog sa baha
This handout photo taken on October 28, 2022 and received from the Philippine Coast Guard on October 29 shows rescue workers evacuating people from a flooded area due to heavy rain brought by Tropical Storm Nalgae in Hilongos, Leyte province. Landslides and flooding in the southern Philippines killed at least 67 people on October 28, according to an official tally, with rescuers racing to save residents of a mountain village that was buried in mud.
Handout / Philippine Coast Guard (PCG) / AFP

MANILA, Philippines — Dalawampu’t dalawang barangay ang lumubog sa baha habang naitala rin ang ilang insidente ng flashflood sa lungsod ng Zam­boanga dulot ng malalakas na pag-ulan ng bagyong Paeng, ayon sa report nitong Sabado.

Sa Facebook post ng pamahalaang lungsod ng Zamboanga, nagsimulang rumagasa ang mga pagbaha simula pa nitong Biyernes.

Naitala naman sa halos isang libong pamil­ya ang naapektuhan ng flashflood at landslide sa mga apektadong lugar.

Kabilang naman sa mga lugar na naapek­tuhan ng flashflood ay ang mga Brgys. Ayala, Tugbungan, Talungatung, San Jose Gusu, Tictabon, Maasin, Sta Catalina, Zon3 3, Putik, Recodo, Guiwan, Sinunuc at San Roque; pawang sa lungsod.

Samantalang ang naapektuhan naman ng landslide ang mga Brgys. Baluno, Calabasa, La Paz, Limpapa at Pamucutan habang inulat din ang pagkabuwal ng mga puno sa Brgys. Canelar, Sta Maria at Tetuan.

Nabulaga naman ang mga residente sa nangyaring storm surge o pagtaas ng alon na humampas sa aplaya sa Brgy. Campo Islaam ng lungsod.

Agad namang inilikas ng rescue team ng lokal  na pamahalaan ang mga residente na naninirahan sa Brgys. Ayala, San Jose Gusu, Tulungatung, Tictabon, Tugbungan at Pamucutan sanhi ng mataas na tubig baha sa kanilang lugar.

Nagbabala naman ang Water District sa lungsod ng pagtaas ng level ng tubig sa dam sa Pasonanca sanhi ng malala­kas na pag-ulan na dulot ng bagyong Paeng.

vuukle comment

BALUNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with