^

Probinsiya

Pasyenteng kagawad pinatay ng bantay sa ospital

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Pasyenteng kagawad pinatay ng bantay sa ospital
Matinding pagkakabasag ng bungo ang agad ikinasawi ng biktimang si Ronnie Pag­linawan Peñaranda, may-asawa, residente at incumbent barangay councilor ng Purok-1, Brgy. Matambo, Oas, Albay.
File

Matapos sawayin sa pakikipagkuwentuhan

LIGAO CITY, Albay, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang 57-anyos na pas­yenteng barangay kagawad matapos paghahatawin ng bakal na intravenous fluid stand o stand ng suwero sa ulo ng kakuwentuhang bantay ng isa ring pasyente sa loob ng Josefina Belmonte Duran Memorial Albay Provincial Hospital sa Brgy. Tuburan ng lungsod na ito, kamakalawa ng madaling araw.

Matinding pagkakabasag ng bungo ang agad ikinasawi ng biktimang si Ronnie Pag­linawan Peñaranda, may-asawa, residente at incumbent barangay councilor ng Purok-1, Brgy. Matambo, Oas, Albay.

Arestado naman ng mga rumespondeng pulis at kinasuhan na ng pagpatay ang suspek na si Rey Chavez Dionela, 38-anyos, binata at residente ng Brgy.Ponso, Polangui.

Sa ulat, inabot umano ng alas-2:30 ng madaling araw ang kuwentuhan ng pasyenteng biktima at suspek na si Dionela na nagsisilbing bantay ng isa ring pasyente na kasama sa loob ng Room 113 sa ikalawang palapag ng naturang pagamutan.

Dahil sa madaling araw na ay sinaway ng maybahay ng biktima na si Sonia si Dionela na kung maaari ay tumigil na sa pakikipag-usap sa kanyang asawa dahil kailangan na nitong makapagpahinga.

Imbes na sumunod, biglang nagalit umano ang suspek dahilan para humingi na ng tulong si Sonia sa nurse-on-duty pero nang bumalik sila sa silid ay inabutan nang hinahataw ng suspek ang ulo ng biktima gamit ang stand ng suwero. 

Ayon kay provincial health officer Dr. Nathaniel Rempillo, inirekomenda niya na ipatingin sa psychiatrist doctor ang suspek para malaman kung may deperensya ito sa pag-iisip dahil sa bilis nang pagbabago ng mood. Pinarerepaso na rin niya ang pagbibigay seguridad sa lahat ng ospital sa Albay.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with