^

Probinsiya

Sekyu na bumaril ng binatilyo, nadakip

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Sekyu na bumaril ng binatilyo, nadakip
Nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek na si Leo Cuta Saratan, nasa hustong gulang, ng Brgy. Balite 1, Silang, Cavite.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pagkalipas ng 24 oras na paghahanap ay naaresto na ng mga otoridad ang sekyu na bumaril sa 17-anyos sa tulong na rin ng misis nito kahapon.

Nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek na si Leo Cuta Saratan, nasa hustong gulang, ng Brgy. Balite 1, Silang, Cavite.

Matatandaan na kamakalawa nang pagtripang barilin ng suspek ang biktima na kinilala sa pangalang Jonjon, residente ng Iruhin East,Tagaytay City.

Lasing umano ang suspek at habang naglalakad ay nadaanan nito ang biktima at walang kaabug-abog na barilin na tinamaan sa tiyan.

Agad na nagsagawa ng follow-up ang Tagaytay City Police at sa tulong ng misis nito ay natunton ang pinagtataguan ng suspek na nagtago sa bahay ng kanyang kapatid sa Las Piñas City.

Habang ang baril na ginamit ng suspek na revolver na may laman na mga bala at 1 basyo ay narekober sa Sitio Pusil, Brgy. Iruhin East,Tagaytay City kung saan naganap ang krimen.

Kasalukuyan pa ring inoobserbahan sa Ge­neral Emilio Aguinaldo Memorial Hospital, Trece Martires City ang biktima.

vuukle comment

SEKYU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with