‘Rotary Day of Service’ ng RCMP sa Bacoor 351st founding anniv.
MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdaraos ng ika-351st founding anniversary ng Bacoor, nagsagawa ng relief operation na may temang “Rotary Day of Service” ang Rotary Club of Malate Prime sa pamumuno ni Phenomenal Leader President (PLP) Roland T. Lim nitong nakalipas na linggo sa covered court ng Brgy. Molino 2, Bacoor City, Cavite.
Namahagi ang RCMP ng 1,000 grocery packs na may face masks at alcohol para sa 1,000 pamilya; 10 wheelchairs; 100 sets ng school bags, school at office supplies para sa Molino Elementary School at Ligas Elementary School, at 1,000 bottles ng handsoap/dishwashing liquid para sa mga barangay.
Magkatuwang sa pamamahagi ng relief packs sina PLP Lim at Bacoor City Mayor Strike Revilla, na nagbigay ng mensahe sa kanyang mga constituents at nagpasalamat sa kaloob at hatid na biyaya ng RCMP noong Setyembre 28.
Ang proyekto ng RCMP ay sa kooperasyon ng tanggapan ni Mayor Revilla at nina Edwin “Edz” Guinto, head ng Bacoor City Tourism Office; Councilor Alde Pagulayan at Brgy. Molino 3 Chairman Jun Advincula.
- Latest