^

Probinsiya

Radio commentator ginilitan ng kapitbahay!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Radio commentator ginilitan ng kapitbahay!
This satellite image shows Mabinay town in Negros Oriental.
Google Maps

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang radio commentator at DJ (disc jockey) matapos siyang gilitan sa leeg at pagsasaksakin pa ng kanyang kapitbahay kamakalawa ng gabi sa Negros Oriental.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Mabinay Community Hospital ang biktimang si Rey Blanco na mas kilala sa kanyang screen name na “DJ Blangko”, isang komentarista ng radio station Power 102.1 RFM (DYRY) habang  sumuko naman ang suspek na si Charles Yanoc Amada.

Ang biktima at suspek ay kapwa residente ng Brgy. Himocdungon, Mabinay, Negros Orien­tal.

Ayon kay Police Maj. Paul Vincent Duma­guing, hepe ng Mabinay Police Station, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa bahay mismo ng suspek.

Nabatid na nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek para kausapin ang kapatid ng huli na si Wilbert Amada.

Pero sa halip na si Wilbert ang humarap kay Blanco  ay si Charles  ang lumabas hanggang sa magkaroon sila ng mainitang pagtatalo.

Dito na kumuha ng patalim ang suspek at mabilis na nilaslas ang leeg ng biktima saka pinagsasaksak sa katawan.

Nakahingi naman ng tulong ang ilang kapitbahay subalit naliligo na ng dugo ang biktima at wala nang buhay.

Kusang-loob naman sumuko ang suspek sa mga rumespondeng pu­lis.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang tunay na motibo sa krimen.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with