5 baybayin may red tide, shellfish bawal kainin – BFAR
MANILA, Philippines — Bawal munang kainin ang shellfish product tulad ng tahong, talaba at halaan mula sa limang baybayin sa bansa.
Ito ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay dahil muling nagpositibo sa lason ng red tide ang naturang mga baybayin.
Sa advisory ng BFAR, kabilang sa mga baybayin na mataas sa red tide toxicity ay ang Dauis at Tagbilaran sa Bohol; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay, Zamboanga del Sur at Lianga Bay, Surigao del Sur.
Natuklasan ito ng BFAR nang muli silang magsagawa ng laboratory test sa mga shellfish products na kinolekta sa nasabing mga baybayin.
Gayunman, tiniyak ng BFAR na ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon at mga alimango na mahahango mula sa mga nabanggit na baybayin basta’t ang mga ito ay lilinisang mabuti bago lutuin at kainin.
- Latest