^

Probinsiya

Bagong ospital sa Quezon sinimulan nang itayo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TAGKAWAYAN, Quezon, Philippines — Sisimulan na ang konstruksyon ng pitong palapag na main building ng Maria L. Elea­zar General Hospital (MLEGH) sa MLEGH Grounds sa Brgy. Munting Parang ng bayang ito matapos isagawa ang groundbreaking ng proyekto nitong Huwebes.

Ang seremonya ay pinangunahan nina Se­nator Christopher Lawrence “Bong” Go at Robinhood “Robin” Padilla, kasama sina DOH-Calabarzon Regional Director Ariel I. Valencia, Quezon Governor Angelina “Doktora Helen” D.L. Tan, Quezon 4th District Rep. Atorni Mike Tan at Tagkawayan Mayor Luis Oscar Eleazar.

Bukod sa groundbreaking para sa pangu­nahing istraktura ng MLEGH, pinasinayaan din ang ika-152 na Malasakit Center sa Pilipinas at ang two-storey Outpatient Building (OpD).

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng kabuuang P725,000,000.00 sa ila­lim ng Project Management Unit-Health Facility Enhancement Program (PMU-HFEP).

Kasunod nito, nagsa­gawa rin ng groundbreaking ceremony ng Super Health Center sa bayan ng Atimonan, Quezon gayundin ang turnover ceremony ng ilang medical equipment.

Maibibigay umano ng Super Health Center ang lahat ng panguna­hing pangangailangan sa pangangalagang pang­kalusugan sa lokal na antas.

OSPITAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with