^

Probinsiya

P4 milyong halaga ng narra, nakumpiska sa 3 katao

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

ARITAO, Nueva Vizcaya, Philippines — Tatlong lalaki ang dinakip ng mga otoridad nang makumpiska sa kanila ang mahigit sa P4 milyon halaga ng mga iligal na narra sa isang checkpoint sa Barangay Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya,kamakalawa ng hatinggabi.

Kinilala ang mga na­arestong suspek na sina Cecilio Macalos, 43, driver, residente ng Tower Ville, Minuyan Proper, City of San Jose del Monte, Bulacan; Armario Cahayagan, 50, helper, residente ng Barangay Kurbada, Norzagaray, Bulacan; at Arcadio Pascual, 50, Helper, residente ng Socbot, Pinukpok, Kalinga.

Ayon kay Forester Jay Marcial Jasmin, Team Leader at Project Development Officer 3 ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), uma­bot sa 8,155 board feet na mga first class na narra na nagkakahalaga ng P4, 077,500.00 ang kanilang nakumpiska sa tulong ng mga ope­ratiba ng Aritao-PNP.

Ayon kay Jasmin, ang pagkahuli sa mga kontrabando ay batay na rin sa tip na ipinarating sa kanila kung saan tinukoy ang isang Fuso Truck na may plakang NDC 7499 at trailer bed plate No.130110 na nag­lalaman ng mga iligal na kahoy.

Wala namang mai­pakitang dokumento ang mga suspek nang pahintuin ang kanilang trak sa checkpoint ng DENR.

Ayon pa sa report, napag-alaman na galing umano ang mga iligal na kahoy sa lalawigan ng Kalinga at nakatakda sanang dalhin sa isang lugar sa Pasig City.

NARRA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with