5 iskul inayudahan ng RCMP para sa World Teachers’ Day
MANILA, Philippines — Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng World Teachers’ Day na pinasimulan na nitong Setyembre 5 at magtatapos sa Oktubre 5, 2022, muling nagbigay ng tulong ang Rotary Club of Malate Prime (RCMP)-RI District 3810 na pinamumunuan ni Phenomenal Leader President (PLP) Roland T. Lim sa limang paaralan sa San Fernando, Licao Island, Masbate.
Nasa 100 face masks mula kay PLP Lim, 600 Regent cupcakes mula kay PP Jimmie Ocampo, 200 alcohol spray mula kay Rtn Elmer Estrella; 200 alcohol spray, Losartan at Paracetamol liquid mula kay Rtn/Councilor Liza Arevalo-Brabante, at 1200 packs ng Ascorbic Acid mula kay PP Don Brabante, ang ipinamahagi sa Central Elementary School, Sowa Elementary School, Canelas Elementary School, Valparaiso Elementary School at East Elementary School, pawang sa San Fernando, Ticao Island.
Nagsilbing kinatawan ng RCMP sa pamamahagi ng ayuda si Rtn Liza Brabante na konsehala rin sa naturang bayan.
- Latest