^

Probinsiya

Hunter napagkamalang usa, inasinta ng kasama utas

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Trahedya sa bundok ng Ifugao

BAGUIO CITY, Philippines — Patay ang isang hunter matapos na aksidenteng mabaril ng kanyang kasama nang mapagkamalan nitong usa sa kasagsagan ng kanilang paghahanap ng mga wild animals sa masukal na lugar ng Mt. Alibut-tung sa Bokiawan, Kiangan, Ifugao nitong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Fredie Ananayo Yog­yog, 43-anyos, re­sidente sa naturang lu­gar.

Ang insidente ay naganap dakong alas-10:30 ng umaga ng Lunes pero alas-12:40 ng umaga kahapon nang maiulat ito sa pulisya.

Dahil sa takot, hindi agad naireport ng suspek na nakilalang si Lener La­yagon Tobiagan, 28-an­yos, ang insidente sa pulisya bagkus nang umuwi sa kanilang tahanan ay ipinagtapat ito sa kanyang misis at mga kapitbahay.

Ayon sa pulisya, si Tobiagon ay umalis sa kanilang lugar kasama si Yogyog noong Linggo ng hapon upang mag-hunting ng usa sa natu­rang kabundukan.

Habang pauwi na umano ang dalawa nitong Lunes, bigla nilang naispatan ang mga bagong nagkukumpulang wild deer kaya nagdesisyon silang maghiwalay para makahuli ng usa.

Gayunman, habang dahan-dahang lumalapit sa lugar na kinaroroonan ng mga usa ay napansin ni Tobiagon ang komosyon sa isang masukal na lugar kaya agad nitong pinaputukan sa pag-aakalang nakatiyempo na siya na makahuli.

Pero nang kanyang lapitan ay laking pagkalumo nito nang makitang nakabulagta na si Yogyog matapos niyang mabaril.

Humahangos na umuwi si Tobiagon sa kanilang bahay at sinabi nito sa kanyang maybahay at mga kapitbahay ang nangyari kaya nagtulung-tulong silang maiuwi si Yogyog.

Matapos ang insidente, isinuko ng kanyang mga kamag-anak si Tobiagon sa himpilan ng pulisya subalit ang baril na ginamit nito ay hindi na mahanap.

HUNTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with