^

Probinsiya

Ama naburyong, buong pamilya hinostage

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Isang tama ng bala sa dibdib ang tinamo ng isang padre-de-pamilya mula sa mga rumespondeng pulis ma­tapos nitong i-hostage ang kanyang buong pa­milya nang maburyong kahapon ng madaling araw sa Brgy. Anabu 2-D, Imus City.

Kasalukuyan nga­yong­­ inoobserbahan sa pa­ga­­­mutan ang suspek na nakilalang si Cornelio­ Andrada Bautista, 52- anyos ng nasabing lugar dahil hiniling nito ang insidente.

Ligtas naman at wa­lang nasugatan sa limang miyembro ng pa­milya na hinostage ng suspek na nakilalang sina Jonlyn Solo Bautista, misis ng suspek, 40-anyos; Linalyn S. Bautista, 17-anyos, Lynielle S. Bautista, 16-an­yos, Lionell John S. Bautista, 14-anyos at Lord Chekerson S. Bautista, 11-anyos, mga anak ng suspek.

Sa imbestigasyon, alas-12:50 ng madaling araw ng maganap ang pangho-hostage ng suspek sa kaniyang asawa at mga anak sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Brgy. Anabu 2-D, Imus City, Cavite.

Armado ng baril, nagwala ang suspek hanggang sa tinutukan nito ang kaniyang pamilya. Agad na rumesponde ang SWAT team at Imus Police at sinimulan ang negosasyon sa suspek.

Nang makita ng suspek ang kapulisan na nakapalibot sa kanilang bahay, lalo itong nagwala at itinutok ang kaniyang baril sa kapulisan at akmang ipuputok ito.

Dito na  binaril ng isa sa kapulisan ang suspek na tinamaan sa itaas na bahagi ng dibdib nito.

Duguang bumagsak ang suspek na agad na­­mang naitakbo sa pa­ga­mutan. Sa pagsisiyasat­ ng pulisya, matinding selos ang nagtulak sa suspek na gawin ang panghohostage.

Wala namang nasaktan sa mga miyembro ng pamilya nito.

ANABU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with