^

Probinsiya

Babaeng hubad, natagpuang patay sa Baguio

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Babaeng hubad, natagpuang patay sa Baguio
Ayon sa Baguio Police, nakatanggap sila ng tawag bandang alas- 6:40 ng umaga kaugnay sa pagkakadiskubre sa katawan ng isang babae na nakalugmok sa loob ng compound ng Rodrigo Magsino.
STAR/ File

Nakatali ang kamay at leeg

BAGUIO CITY, Philippines —  Nagsasagawa ng masu­sing imbestigasyon ang pulisya matapos na isang babae ang natagpuang patay at hinihinalang biktima ng panggagahasa sa Barangay Tabora, dito kahapon ng umaga.

Ayon sa Baguio Police, nakatanggap sila ng tawag bandang alas- 6:40 ng umaga kaugnay sa pagkakadiskubre sa katawan ng isang babae na nakalugmok sa loob ng compound ng Rodrigo Magsino.

Ang biktima na hindi pa pinangalanan ng mga awtoridad ay walang pang-itaas at pang-ibabang damit nang matagpuan habang ang kanyang kamay  at bibig ay natatalian ng tape habang nakatali rin ng belt ang kanyang leeg.

Sinabi ni Baguio City Police information officer Lt. Angeline Dongpaen na nagsasagawa pa ng follow up investigation ang pulisya sa insidente.

Inaantay rin aniya ang pamilya ng biktima mula sa Pampanga na duma­ting sa lungsod para sa isasagawang autopsy examination sa biktima upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito at kung hinalay ng hindi kilalang salarin.

vuukle comment

BABAE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with