^

Probinsiya

3 Daulah Islamiyah terrorist sumuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Boluntaryong sumuko sa tropa ng militar ang tatlong miyembro ng Daulah Islamiyah terrorist group sa magkakahiwalay na insidente sa South Cotabato at Lanao del Norte, ayon sa ulat kahapon.

Sa tinanggap na ulat ni AFP Western Mindanao Command (AFP-Westmincom) commander Lt. Gen . Alfredo Rosario Jr., ang mga lokal na terorista ay sumuko nitong Agosto 18 at 19.

Isa sa tatlo ay kinilalang alyas “Lapong”, residente ng Brgy. Lapu, Polomolok, South Cotabato na sumurender sa tropa ng 10th Special Forces Company sa Brgy. Kablon, Tupi ng lalawigan nitong Biyernes. Isinurender din nito ang kaniyang armas na isang cal . 45 colt na kargado ng mga bala.

Ayon naman kay Major Gen. Roy Galido, commander ng Joint Task Force (JTF) Central isinasailalim na sa custodial debriefing ng 5th Special Forces Battalion ang sumukong dating bayolenteng ektremista.

Nauna rito, sumuko ang dalawa ring mi­yembro ng Daulah Islamiyah-Maute Group sa tropa ng 49th Infantry Battalion sa Lanao del Norte noong Agosto 18.

Ang dalawa ay kinilala ni Brig. Gen. Antonio Nafarrete, commander ng Joint Task Force Zampelan na sina alyas “Habdani” at alyas “Mao”; pawang nasa hustong gulang at mga residente ng Munai, Lanao del Norte. Isinurender nila ang kanilang mga armas na isang cal. 30 garand rifle at 7.62 sniper rifle.

Kasalukuyan nang isinasailalim sa masu­sing tactical interrogation ang mga nagsisukong lokal na terorista kasabay ang paghika­yat ni Rosario ang iba pang nalalabing mga terorista na magsisuko na sa batas.

“This is the best time for them to abandon their group and return to the folds of the law and enjoy life with their families,”ayon kay Nafarrete. ang sabi pa ng opisyal.

BOLUNTARYONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with