^

Probinsiya

RC Malate Prime nakiisa sa Brigada Eskwela 2022

Pilipino Star Ngayon
RC Malate Prime nakiisa sa Brigada Eskwela 2022
Ipinakikita nina PP Don Brabante (kanan) at Rtn Liza Brabante (kaliwa) ang mga COVID-19 essentials, bitamina at gamot na ipinamahagi ng Rotary Club of Malate Prime sa 16 schools sa San Fernando, Ticao Island, Masbate.
STAR/File

MANILA, Philippines — Namahagi ang Rotary Club of Malate Prime (RCMP) na pinamumunuan ni PLP Roland Lim sa ilalim ng Rotary International District 3810, ng mga kahun-kahong face masks, alcohol, gamot at vitamins sa mga guro at mag-aaral bilang pakikiisa sa “Brigada Eskwela 2022” program ng pamahalaan sa iba’t ibang paraalan sa San Fernando, Ticao Island sa lalawigan ng Masbate nitong Lunes.

Sina PP Don Brabante at Rtn Councilor Liza Brabante ang nagsilbing kinatawan ng RCMP sa pamamahagi ng 100 boxes ng face mask, 1,000 pcs ng bottled alcohol, 24 galon ng alcohol, 50 kahon ng Lozartan/Metformin & Prosel Pharma at 250 boxes ng Ascorbic Acid na makakatulong sa face-to-face clasess sa mga paaralan sa nasabing lugar.

Kabilang sa mga nabiyayaan ay ang Andres Clemente Jr. High School, Corbada Elementary School, Minio Elem. School, Daplian Elem. School, Lumbia Elem. School, Pinamoghaan Elem. School, Buyo Elem. School, Buyo Nat’l High School, Resurreccion Elem School, Salvacion Elem. School, Ipil Elem. School, Ipil Nat’l High School, Progreso Elem School, Altavista Elem. School, Cabug Elem. School at Talisay Elem. School.

Kasama sa mga nagsilbing sponsor sa mga pa­ngangailangan ng mga mag-aaral at guro bilang panlaban sa COVID-19 ay sina PLP Lim, PP Brabante, PE Daisy Valdez, Rtn Jobien Carbajal at iba pang miyembro ng naturang Rotary club.

ROTARY CLUB OF MALATE PRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with