^

Probinsiya

Lady recruiter huli sa entrapment

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Arestado ang isang babae sa entrapment operation ng pulisya matapos mambiktima ng apat katao na pinangakuang makakalipad sa bansang China, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Ibayo Silangan, bayan ng Naic.

Nahaharap sa mga kasong Illegal Recruitment Sec 6 in relation to Sec 7 of RA 8042 and 4-counts of estafa ang suspek na si Suzette Salazar, 42, residente ng Naic, Cavite.

Ang operasyon ay ginawa base sa reklamo nina Jovanni Tolin, 43, ambulance driver; Manuel Roxas, 29, tricycle driver; Carlo  Pamintuan, 41,  ­construction worker at Rizalito Pascual Jr., 28, construction worker; pawang taga-Ibayo Silangan, Naic, Cavite.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Rodrigo Veloso III, hiningan umano ng suspek ng tig-P9,500 ang mga biktima bilang bayad sa pag-proseso ng kanilang mga dokumento papuntang Macao, China at pinangakuan na makakaalis sa loob ng isang linggo.

Gayunman, nitong Agosto 13, tinawagan ng suspek ang mga biktima at hiningian muli ng P3,750 bawat isa bilang karagdagang bayad para ganap na umano silang makalipad pa-China.

Dahil dito, dumulog na ang mga biktima sa pulisya kaya isinagawa ang entrapment operation. Agad dinakma ng mga operatiba ang suspek nang tanggapin nito ang pera mula sa mga biktima sa Brgy. Ibayo Silangan.  

NAIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with