^

Probinsiya

5 katao dinakma sa pekeng abono

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Limang katao na nagbebenta ng mga pekeng abono ang nadakip ng mga awtoridad sa isinagawang entrapment operation sa Barangay Callao, Alicia ng lalawigang ito, kamakalawa.

Nakilala ang mga nadakip na sina Ceejay Tabing, 18; Vincent dela Cruz, 23; Ulysis Madarang, 18; Dominador Lelagan, 70, at Rosendo Bumagat, 21, pawang taga-San Manuel, Isabela.

Pinaghahanap naman ng awtoridad ang itinuturong may-ari ng mga produkto na nakilalang si Judy Lilagan.

Ang mga suspek ay nadakip sa inilatag na entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Isabela at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) kasunod ng mga report na pagbebenta ng mga pekeng abono sa mga magsasaka.

Narekober mula sa mga suspek ang 120 sako ng pekeng 14-14-14 na abono, 20 sakong pekeng 16-20, dalawang P1,000 bill, 294 piraso ng P1,000 bill na boodle money; dalawang Android cellphone at isang Isuzu aluminum van truck na pinaglagyan sa mga pekeng abono.

Ayon kay Leonardo Bangad, regional officer ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA), batay sa isinagawang pagsusuri ay mababa sa ­standard ang mga sample ng nakumpiskang abono.

Bukod sa mga pekeng abono, nalulugi rin ang mga magsasaka dahil na rin sa mga pekeng pesticides na kanilang nabibili.

Paalala ni Bangad sa publiko na mas mabu­ting bumili sa mga licensed na agricultural stores para makasigurado na hindi peke ang mga nabibiling abono at pestisidyo.

vuukle comment

PEKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with