Motor sumemplang: Rider lasog, angkas sugatan
LIBON, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 21-anyos na estudyante habang sugatan ang angkas nito matapos na sumemplang at bumangga ang kanilang motorsiklo sa waiting shed sa kahabaan ng national highway ng Zone 1, Brgy. Marayag ng bayang ito kamakalawa ng madaling araw.
Tinangka pang isugod ng mga rumespondeng tauhan ng Libon-MDRRMO at Bureau of Fire Protection sa rural health ng bayan pero hindi na umabot nang buhay ang biktimang si Santiago Sason Hererra,ng Santiago St., Brgy. Zone-6, Libon, Albay.
Patuloy namang inoobserbahan ang angkas na si Francis Jay Balandra Rivera, 20, residente ng Brgy. Zone 4.
Sa ulat, alas-12:30 ng madaling araw mabilis na binabagtas ng dalawa lulan ng Honda motorcycle na minamaneho ni Herrera ang kahabaan ng highway patungong bayan ng Polangui.
Gayunman, dahil sa bilis ng takbo pagdating sa palikong bahagi ng kalsada ay nawalan ng kontrol ang motorsiklo at sumemplang saka malakas na bumangga sa waiting shed.
Kapwa duguan at walang malay na sinaklolohan ang dalawa at isinugod sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival si Hererra.
- Latest