^

Probinsiya

Kelot na umano'y nagbebenta ng 'male to male porn videos' timbog sa Cebu City

Philstar.com
Kelot na umano'y nagbebenta ng 'male to male porn videos' timbog sa Cebu City

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga otoridad ang isang 19 anyos na lalaki na hinihinalang operator ng cyber pornography sa Cebu City.

Kinilala ang suspek na si Romilo Romero mula Barangay Bulacao ng naturang lungsod.

Batay sa imbestigasyon, ginagamit umano ng lalaki ang social media sites tulad ng Facebook at Twitter sa pagbebenta niya ng kanyang mga bidyo na nakikipagtalik sa kapwa niya lalaki kung saan ang iba rito ay mga menor de edad pa.

Ayon sa ulat ng My TV Cebu, ibinebenta ng suspek ang kanyang mga bidyo sa halagang P200.00 pataas bawat isa.

Nito lamang Biyernes, ika-29 ng Hulyo, naaresto si Romero matapos magkasa ng isang entrapment and rescue operation ng mga otoridad.

Isang undercover agent ang nakipagtransaksyon sa suspek na siyang nag-alok ng “all-around” na sekswal na mga gawain sa menor de edad sa halagang P2,500.00.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 at Anti-Child Pornography Act of 2009 si Romero. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

CYBER PORNOGRAPHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with